• EnglishClick to open the English menu
    • Nasir Abas
    • Deobandi Leadership
    • Dr. Fadl
    • Mohammed El Fazazi
    • Hassan Hattab
    • Libyan Islamic Fighting Group
    • Dr. Qadri
    • Salman al-Awdah Against Bin Ladin
    • Salman al-Awdah Refutation of Awlaki
    • A Rescued Child Suicide Bomber
    • Salafi Refutation of Awlaki
  • BosanskiClick to open the Bosanski menu
    • Nasir Abas
    • Deoband vodstvo
    • Salman al-Avdah
    • Muhamed El Fazazi
    • Kadrija Fetva
    • Dr. Fadl
    • HASAN HATTAB
    • Libijska islamska militantna grupa
    • Spašeni dječak bombaš-samoubojica
  • فارسیClick to open the فارسی menu
    • نصير عباس
    • ديوباندى
    • سيد إمام الشريف
    • محمد الفزازى
    • حسن حطاب
    • روه مبارزه اسلامی لیبی
    • قدرى
    • سلمان العوده
    • نجات کودک قربانی
  • босанскиClick to open the босански menu
    • Насир Абас
    • Деобанди вођство
    • Др. Фадл
    • Мухамед Ел Фазази
    • Хасан Хатаб
    • Либијска исламска милитантна група
    • Кадријева Фетва
    • Салман ал-Авдах
    • Спашени дјечак бомбаш-самоубица
  • Нохчийн моттClick to open the Нохчийн мотт menu
    • Насир1аббас
    • Деобандин лидералла (коьрталла)
    • Докторан Фадль
    • Мохьаммад Эль-Фазази
    • Хасан Хаттаб
    • Ливий Исламан т1еман тоба
    • Кадри Фетва
    • Салман аль-Авдах!
    • К1екхьарадаьккхина бер-террорист-далархо
  • 简体字Click to open the 简体字 menu
    • 纳西·阿峇斯
    • 德奥班德派的领袖
    • Dr.法德勒博士第一本反恐怖主义的著作
    • 穆罕默德‧伊尔‧法扎兹
    • 哈桑哈塔布
    • 利比亚伊斯兰战斗组织
    • 卡德里的教令
    • 萨勒曼阿勒-欧达
    • 获救的儿童自杀炸弹
  • عربيةClick to open the عربية menu
    • نصير عباس
    • الدكتور سلمان العودة
    • سلفيين ضد العولقي
    • القيادة الديوباندية
    • حسن حطاب
    • قادري
    • نجاة طفل انتحاري
  • NederlandsClick to open the Nederlands menu
    • Nasir Abas
    • Deobandi Leiderschap
    • Dr. Fadl
    • Mohammed El Fazazi
    • Hassan Hattab
    • De Libische Islamitische Gevechtsgroep
    • Dr. Qadri
    • Salman al-Awdah
    • Een geredde jeugdige zelfmoordterrorist
  • FrançaisClick to open the Français menu
    • Nasir Abas
    • Le leadership deobandi
    • Dr. Fadl
    • Mohammed El Fazazi
    • Hassan Hattab
    • Groupe islamique des combattants libyens
    • Dr. Qadri
    • Salman al-Awdah
    • Un enfant kamikaze rescapé
  • اردوClick to open the اردو menu
    • ناصر عباس
    • دہشت گردی کے رد میں ڈاکٹر فضل کی پہلی کتاب
    • محمد الفزازی
    • حسن حطاب
    • لیبین اسلامی گروپ برائے حرب
    • سلمان الاودھ
    • ایک بازیاب کردہ خود کش بمبار بچہ
  • DeutschClick to open the Deutsch menu
    • Nasir Abas
    • Die Deoband-Führung
    • Dr. Fadl
    • Hassan Hattab
    • Die Libysche Islamische Kampfgruppe
    • Dr. Qadri
    • Salman al-Awdah
    • Rettung eines kindlichen Selbstmordattentäters
  • हिन्दीClick to open the हिन्दी menu
    • नसीर अब्बास
    • देवबन्दी नेतृत्व
    • डा. फ़द्ल की आंतकवाद के िखलाफ़ पहली िकताब
    • मोहम्मद एल फज़ाज़ी
    • हसन
    • लीिबयन इस्लािमक लड़ाकू दल
    • क़ादरी फ़तवा
    • सलमान अल-अवध
    • एक छुड़ाया गया आत्मघाती हमलावर बच्चा
  • Bahasa IndonesiaClick to open the Bahasa Indonesia menu
    • Nasir Abas
    • Kepemimpinan Deobandi
    • Dr. Fadl
    • Mohammed El Fazazi
    • Hassan Hattab
    • Kelompok Pejuang Islam Libya
    • Dr. Qadri
    • Salman al-Awdah
    • Seorang Anak Pelaku Bom Bunuh Diri Yang Diselamatkan
  • كوردیClick to open the كوردی menu
    • نصير عباس
    • ديوباندى
    • سيد إمام الشريف
    • فزازى
    • حسن
    • LIFG
    • قدرى
  • Bahasa MelayuClick to open the Bahasa Melayu menu
    • Nasir Abas
    • Kepimpinan Deobandi
    • Dr. Fadl
    • Mohammed El Fazazi
    • Hassan Hattab
    • Kumpulan Pejuang Islam Libya
    • Dr. Qadri
    • Salman al-Awdah
    • Pengebom Berani Mati Kanak-kanak Yang Diselamatkan
  • AfsoomaaliClick to open the Afsoomaali menu
    • Nasir Abas
    • Hogaamiyayaasha Deobandi
    • Dr. Fadl
    • Mohammed El Fazazi
    • Hassan Hattab
    • Kooxda Dagaalyahanada Islaamka Liibiya
    • Dr. Qadri
    • Salman al-Awdah
    • Cunug Bambo Isku qarxiye ah oo la badbadiyay
  • EspañolClick to open the Español menu
    • Nasir Abas
    • Liderazgo de los Deobandi
    • Dr. Fadl
    • Mohammed El Fazazi
    • Hassan Hattab
    • Grupo de Lucha Islámica Libia
    • Dr. Qadri
    • Salman al-Awdah
    • Niño terrorista suicida rescatado
  • TagalogClick to open the Tagalog menu
    • Nasir Abas
    • Pamumuno ng Deobandi
    • Dr. Fadl
    • Mohammed El Fazazi
    • Hassan Hattab
    • Libyan Islamic Fighting Group
    • Dr. Qadri
    • Salman al-Awdah
    • Isang iniligtas na Batang "Suicide Bomber”
  • TürkçeClick to open the Türkçe menu
    • Nasir Abas
    • Deobandi Liderliği
    • Dr. Fadl
    • Mohammed El Fazazi
    • Hassan Hattab
    • Libya İslami Mücadele Örgütü
    • Dr. Kadri
    • Selman El-Avde
    • Kurtarılan İntihar Bombacısı Çocuk
  • தமிழ்Click to open the தமிழ் menu
    • Tamil-Nasir Abas
    • Tamil-Deoband
    • Tamil-Fadl
    • Tamil-Fazazi
    • Tamil-Hassan Hattab
    • Tamil-LIFG
    • Tamil-Qadri
    • Tamil-Awdah
    • Tamil-Rescued Child Suicide Bomber
  • ภาษาไทยClick to open the ภาษาไทย menu
    • นาซิร อาบาส
    • ผูนํากลุมดีโอบันด 
    • การถอนคำพูดจากอียิปต์
    • โมฮัมเหม็ด เอล ฟาซาซ 
    • ฮัสซัน ฮัตทาบ
    • กลุมนักสูชาวอิสลามในลิเบย
    • กาดริ ฟตวา 
    • ซัลมาน อัล เอาดะฮ
    • เด็กที่ไดรับการชวยชีวิตอดีตมือระเบิดพลีชีพ 

Salman al-Awdah

Si Sheikh Salman al-Awdah ay dating kilala bilang gabay ni Usama bin Ladin.  Pinuri din ni Usama Bin Ladin si al-Awdah sa marami nitong mga audio at video na mensahe.  Gayunpaman, ngayon ay bukas na nagsasalita si al-Awdah laban sa transgresyon ng al-Qa'ida.

Siya ay nagsasalita sa pamamagitan ng sumusunod na liham kay Usama bin Ladin:  

 

Isang Ramadan na Liham kay Osama bin Laden mula kay Salman al-Awdah

 

Kapatid na Osama:

 

Gaano karaming dugo ang dumanak? Gaano karaming inosenteng mga bata, kababaihan, at nakatatanda ang napatay, napinsala, at napatalsik mula sa kanilang mga tahanan sa ngalan ng “al-Qaeda”?

 

Natutuwa ka bang makatagpo si Allah nang may mabigat na karga sa iyong mga balikat? Ito nga ay isang tunay na mabigat na dalahin – hindi kakaunti sa daan-daang libong mga inosenteng katao, kung hindi man milyon-milyon.

 

Paano mo nanasahin ang isang bagay na tulad noon? – pagkatapos malaman na sinabi ng Propeta ni Allah na: “Sinuman ang pumatay kahit sa isang maliit na maya para sa karangyaan ay matatagpuan itong kaharap si Allah sa Araw ng Paghuhukom: ‘Aking Panginoon! Siya ang pumatay sa akin para sa karangyaan. Hindi niya ako pinatay sanhi ng pangangailangan sa ikabubuhay.”

 

Ang relihiyon nating ito ay nagtatanggol sa buhay ng isang maya. Hindi kailanman nito matatanggap ang pagpapaslang sa mga inosenteng katao, anumang pangangatuwiran man ang ibigay para rito.

 

Hindi mo ba nabasa ang sinabi ng Propeta (nawa’y ang kapayapaan ay sumakanya) na: “Dati, ang isa sa mga propeta ay umupo sa ilalim ng isang puno at kinagat ng isang langgam. Dahil dito, sinunog niya ang pugad ng langgam. Pagkatapos nito, tinanong siya ni Allah: ‘Bakit hindi ‘yung iisang langgam lamang?’ ” [Sahîh Muslim]

 

Ipinatunghay ni Allah sa Propeta: “Ano? Dahil lamang sa nag-iisang langgam na kumagat sa iyo, sinunog mo ang buong bayan na nagpupuri sa kadakilaan ni Allah!” [Sahîh Muslim (2241)]

 

Kung ganito ang nangyari tulad nang sa pugad ng mga langgam, isaalang-alang kung gaano kasahol ang pagdulot ng pinsala sa mga tao.

 

Sino ang may pananagutan para doon sa lahat ng mga batang Muslim, na nasa kasariwaan ng kanilang kabataan, sa buong kasiglahan ng kanilang edad, na nagkamali ng landas at hindi alam kung saan ito patutungo?

 

Ang imahe ng Islam ngayon ay nadumihan. Sinasabi ng mga tao sa buong mundo kung paano tinuturo sa Islam na iyong mga hindi marunong tumanggap dito ay dapat na patayin. Sinabi rin nila na ang mga tagasuporta ng tinuturo ng Salagi ay pumapatay sa mga Muslim na hindi nakikisapi sa kanilang mga pananaw.

 

Gayunman, ang katotohanan sa Islam ay hindi pinatay ng aming Propeta (nawa’y ang kapayapaan ay sumakanya) ang mga taksil na nagbabalat-kayong pumapalibot sa kanya, kahit na naibunyag ni Allah sa kanya kung sino-sino ang mga ito at ipinagbigay-alam sa kanya na nakaguhit sa kanilang kapalaran na mapunta sa kailalim-ilaliman ng Impyerno. Bakit siya nanatiling kasa-kasama nito? Sinabi niya ang sumusunod na dahilan: “Hindi ko papahintulutan na sabihin ng mga tao na pinapatay ni Muhammad ang kanyang mga kasamahan.”

 

Kapatid na Osama, kung ano ang naganap noong Setyembre 11 – mga krimen na pasigaw nating kinokondena mula nang araw na iyon – ay ang pagpapaslang sa ilang daang libong mga katao, marahil na hindi kakaunti sa tatlong libo. Ito ang bilang ng mga namatay sa mga eroplano at pati na rin sa mga torre. Bilang pagkakaiba nito, ang mga ang mga Muslim na tagapangaral – iyong mga nananatiling hindi kilala at nakaligtaan – ay nagtagumpay sa paggagabay sa daan-daan libong mga tao patungo sa Islam, mga taon hindi pa kailanman nagabayan ng liwanag ng pananampalataya at iyong mga may pusong punong-puno ng pagmamahal para kay Allah. Hindi ba’t kapuna-puna ang pagkakaiba sa pagitan ng pumapatay doon sa gumagabay?

 

Sinasabi sa atin ng Panginoon na: “Sinumang pumatay sa isang tao maliban sa sadyang pamamaslang o katiwalian sa Sanlibutan, ito ay tila pinatay niya ang lahat ng sangkatauhan, at iyong nagligtas sa buhay ng isa, ay tila nagligtas sa buhay ng lahat ng sangkatauhan.”

 

Ang paggabay sa kaluluwa patungo sa kaalaman at pananampalataya ay isang napakahalagang pagtatagumpay. Ito ay magdudulot sa atin ng sukdulang biyaya.

 

Kapatid na Osama, ano ang matatamo mula sa pagwawasak ng buong bansa – na ating nasasaksihan ngayon sa Afghanistan at Iraq – ang pagsaksi sa kanilang pagkakahiwa-hiwalay sanhi ng kalamidad at pagkagutom? Ano ang matatamo mula sa pagpapahina ng kanilang katatagan bilang bansa at bawat butil ng pag-asang mayroon upang mamuhay ng normal? Tatlong milyong mga refugee ang nagsisiksikan sa Syria at Jordan pa lamang, kung hindi babanggitin iyong mga tumatakas patungo sa Silangan at Kanluran.

 

Ang bangungot ng giyerang sibil na ngayon ay nangingibabaw sa Afghanistan at Iraq ay walang dulot na ligaya sa mga Muslim. Nang narinig ng Propeta(nawa’y ang kapayapaan ay sumakanya) ang tungkol sa isang lalaking nagngangalang Harb (nangangahulugang “giyera” sa Arabic), kaagad niyang binago ang kanyang pangalan, dahil kinamumuhian ng Propeta ang giyerar.

 

Sinasabi ni Allah: “Ang pakikipaglaban ay nakatakda para sa iyo, kahit na kinamumuhian mo ito.”

 

Ang giyera ay isang bagay na kinamumuhian na kailangan lamang mahantungan sa ilalim ng kalunos-lunos at napilitang pagkakataon kapag wala nang ibang paraan ang matagpuan.

 

Sino ang makikinabang mula sa pagbabago ng isang bansa tulad ng Morocco, Algeria, Lebanon, o Saudi Arabia – o iba pang bansa – upang maging isang pook ng labanan na walang may kaligtasan? Ang layunin ba ay paghahadlang sa pamahalaan? Samakatuwid, iyon ba ang kalutasan sa kahit na anong bagay?

 

Ito ba ang plano – kahit na matamo ito sa pamamagitan ng pagma-martsa sa mga bangkay ng daan-daan libong mga katao – mga pulis, sundalo, at sibilyan, kahit na mga karaniwang Muslim? May mga kamatayan bang ikinikibit-balikta at simasabing: “Sila ay mabubuhay muli sa Kabilang buhay batay sa kalagayan ng kanilang mga puso.”

 

Walang duda, lahat ng iyong napaslang ay bubuhayin muli batay sa kalagayan ng kanilang mga puso. Ang dapat nating tanungin  sa ating mga sarili, gayunman, sa aling kalagayan tayo mabubuhay muli? Paano natin matatagpuan ang ating sarili kapag nakatagpo natin ang ating Panginoon? Paano iyong may kargang di-mabilang na mga kamatayan sa kanyang sarili, nais man niyang panagutan ang mga ito o hindi?

 

Ang ikinababahala sa pagbabatid ng mensahe ng Islam sa sangkatauhan ay ang pag-iimpluwensya as iba at makakumbinse sa kanila. Ito ay lubos na mas malaki at mas mabigat na ikinababahala kaysa sa paggamit ng malupit na puwersa at karahasan upang ibahin ang kagustuhan ng iba. “Ipinadala ni Allah ang Kanyang Propeta (mapasakanya sana ang kapayapaan) bilang isang gabay para sa sangkatauhan, hindi bilang isang tagakolekta ng buwis.” tulad nang sinasabi dati ni `Umar b. `Abd al-`Azîz.

 

Sino ang responsable – kapatid na Osama– para sa pagtataguyod ng kultura ng pagtatakwil na nagwasak sa mga pamilyang maghiwalay at nagtungo sa mga anak na tawagin ang kanilang mga tatay na walang pananalig? Sino ang responsible para sa pag-aalaga ng isang kultura ng karahasan at pagpapaslang na nagtungo sa pagdanak ng dugo ng kanilang mga kamag-anak nang walang pagsisisi, kaysa sa pagtataguyod sa diwa ng pagmamahal at kapayapaan na nararapat mayroon ang isang pamilyang Muslim?

 

Sino ang may pananagutan para sa mga batang lalaki na iniwanan ang kanilang mga inang umiiyak; mga umiwan sa kanilang mga asawa; iyong mga maliliit na bata na nagigising araw-araw na nagtatanong kung kailan uuwi ang kanilang tatay? Kapag may maibibigay nang sagot, kapag ang nabanggit na tatay ay maaaring patay na, o nawawala nang walang may alam kung ano ang mangyayari sa kanya?

 

Sino ang responsible para sa mga gobyerno ng Kanluran na umaatake sa bawat isang proyekto ng kawang-gawa sa mundo, upang ang mga alila, mga mahihirap, at iyong mga nangangailangan sa buong mundo ay mapagkaitan ng pagkain, edukasyon, at iba pang mga mahahalagang kailangan? Sino ang may responsable – kapatid na Osama – sa pagpupuno ng mga bilangguan ng mga Muslim ng ating mga kabataan, isang situwasyon na magdudulot lamang ng gawaing radikal, marahas, at pagpapaslang sa ating mga lipunan?

 

Muhammad (mapasakanya nawa ang kapayapaan) – ang akin at iyo na ring pinagkukunan ng gabay– hindi pa ba sapat sa iyo ang dahilan ng kanyang pagdating? Siya ay pinadala bilang isang  pagpapatawad sa lahat ng sangkatauhan. Sinabi ni Allah: “At ipinadala Namin sa iyong bilang isang kapatawaran sa lahat ng sangkatauhan.” [Sûrah al-Anbiyâ’: 107]

 

Ang salitang “pagpapatawad” ay hindi matatagpuan sa talasalitaan ng giyera. Nasaan ang pagpapatawad sa pagpapaslang ng mga tao? Nasaan ang pagpapatawad sa mga lugar na binobomba? Nasaan ang pagpapatawag sa pagpupuntirya sa mga tao at lugar? Nasaan ang pagpapatawad sa paggawa sa mga bansang Muslim bilang mga pook ng labanan?

 

Ang Propeta (sumakanya sana ang kapayapaan) ang naglikom sa buong Arabia sa ilalim ng kanyang duyan nang wala ni kahit isang pagpaslang, kahit na napakaraming laban ang itinapat sa kanya. Ang bilang ng mga taong napatay sa dalawampu't tatlong taon sa kanyang misyon ay mas kaunti sa dalawang daang katao. Ang mga Muslim na napaslang nang panahong iyon ng kanilang mga kalaban ay higit na mas marami kaysa sa bilang na iyon.

 

Ano ang nais matamo ng mga daan-daang tao sa Algeria, o doble ng bilang na iyon sa Lebanon, o pati na rin sa Saudi Arabia sa pamamagitan ng pagkilos nang marahas– o tulad ng sabi nila, mga “suicide attack”? Walang silbi ang mga kilos na ito.

 

Sabihin na nating – likas na haka-haka lamang – na ang mga taong ito na nagawang magkaroon ng kapangyarihan saan mang parte ng mundo. Tapos? Ano ang inaasahang matamo ng mga taong walang karanasan sa buhay sa mahusay na pamamahala? Mga taong walang kaalaman ukol sa batas ng Islam upang suportahan sila at walang pag-uugnawa sa mga lokal at pandayuhang ugnayan?

 

Ang Islam ba ay tungkol lamang sa mga baril at bala? Ang mga paraan mo ba ay naging mga resulta din?

 

Ang ideolohiyang iyon na pinaniniwalaan ng napakaraming mga kabataan sa iba’t ibang bahagi ng mundo, ang pagpapakita ba ng katotohanan mula kay Allah ang hindi maaaring masiyasat o maisaalang-alang muli? O ito ba ay isang produkto lamang ng pagpupunyagi ng tao na sumasailalim sa kamalian at kailangang iwasto?

 

Marami sa iyong mga kapatid sa Ehipto, Algeria at saan man ay pumunta upang makita ang katapusan ng daan para sa ideolohiyang iyon. Naunawaan nila kung gaano ito nakakapinsala at gaano ka delikado ito. Nahanap din nila ang lakas ng loob upang ipahayag sa kanilang mga kasulatan at sa himpapawid na sila ay nagkamali at ang daan na natahak nila  ay ang daan ng pagkakamali. Kanilang inamin na hindi ito maaaring magtungo sa kahit na anong bagay na mabuti. Hinangad nila ang kapatawaran ni Allah ukol sa naganap at ipinakita nila ang taus-pusong pagsisisi sa kanilang nagawa.

 

Iyong may mga dakilang puso ay ganoon din ang kailangan upang magkaroon ng matatapang na isipan.

 

Hindi mo ba naririnig ang mga boses ng mga relihiyosong scholar, iyong sumasamba kay Allah buong araw at gabi at mga tunay na nangangailangan kay Allah – hindi mo ba sila naririnig na isinisigaw ang parehong mga salita na ginamit ng Propeta (sumakanya sana ang kapayapaan) nang si Khâlid b. al-Walîd, ang punong kumander ng kanyang hukbo, ay kumilos nang mali: “O Allah! Aking ipinapakiusap ang aking pagka-inosente sa Iyo laban sa nagawa ni Khâlid.”

 

Ang parehong mga salitang ito ay umaalingawngaw pa rin makalipas ang 1400 taon na sumigaw ang mga scholar ng Islam: “O Allah! Aking ipinapakiusap ang aking pagka-inosente sa Iyo mula sa ginagawa ni Osama, at iyong mga nasasanib sa kanyang pangalan o gawain sa ilalim ng kanyang pader.”

 

Nais kong ipaalala sa iyo ang sinabi ng ating Propetang  Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan) kay Usâmah b. Zayd – na ang ngalan ay iyong dala-dala – nang kanyang pinatay ang isang lalaki mula sa Juhaynah sa init ng labanan makalipas na ideklara ng lalaking iyon na walang ibang Diyos bukod kay Allah.

 

Makalipas na pagalitan siya ng Propeta (sumakanya sana ang kapayapaan), sinabi ni Usâma: “O Propeta ni Allah! Sinabi lamang niya iyon dahil takot siya sa espada.”

 

Sumagot ang Propeta (sumakanya sana ang kapayapaan): “Paano ka makaka-agapay sa pagpapahayag ng paniniwala sa pagsapit nito sa Araw ng Paghuhukom?”

 

Nakiusap si Usâmah: “Humangad ng pagpapatawad para sa akin, O Propeta ni Allah.”

 

Inulit lamang niya kung ano ang kanyang sinabi: “Paano ka makaka-agapay sa pagpapahayag ng paniniwala sa pagsapit nito sa Araw ng Paghuhukom?”

 

O Osama! Ano ang iyong gagawin sa pagpapahayag ng paniniwala kapag ito ay sumalungat sa iyo sa Araw ng Paghuhukom?

 

Ang buhay, Osama, ay hindi dapat nag-iisang leksyon. Kailangan nating harapin ang maraming mga leksyon sa ating buhay, at iba't iba ang mga leksyon na ito.

 

Ang aking situwasyon ay hindi kakaiba kaysa sa ibang mga tao na nababahala sa mga ugnayan ng Muslim. Nananakit ang aking puso kapag aking naisip ang bilang ng mga kabataan na lubos ang potensyal – iyong maaring may nagawang malalaki at orihinal na kontribusyon sa lipunan, iyong napakaraming maihahandog na makakatulong at positibo – iyong mga iniba upang maging mga buhay na bomba.

 

Heto ang napakahalagang tanong na kailangan mong itanong sa iyong sarili at may karapatan ang iba na hingin at sagutin: Ano ang tunay na natamo ng lahat ng mga taong ito ng pagdurusa, trahedya, luha, at sakripisyo?

 

Tinatanong ko kay Allah na isama-sama ang lahat upang malikom para sa katotohanan at tamang paggabay. Ipinagdadasal ko na igagabay Niya tayo patungo sa bagay na Kanyang ikalulugod.

 

– Salman b. Fahd al-Awdah

Submissions and suggestions:  contact@seventhpillar.net