Si Dr. Fadl - na ipinanganak na may ngalan na Sayyid Imam al-Sharif - ang nagtatag ng Egyptian Islamic Jihad at naggabay kay Usama bin Ladin at Ayman al-Zawahiri bago ang pagtatatag ng al-Qa’ida. Isang tapat na Muslim, medikal na doktor, at kumander ng mujahadin, si Dr. Fadl ay pangunahing nagsisilbi laban sa mga puwersang komunista sa Afghanistan at Yemen. Siya ay tumalikwas mula sa isang bilangguan sa Ehipto noong 2007.
“Pangangatuwiran ng Jihad sa Ehipto, sa mundo" (2007) ni Sayyid Imam
Unang Bahagi
Cairo Al-Misri Al-Yawm 18 Nobyembre 07
[Punong Balita: “Ekslusibo, inilathala ng Al-Misri al-Yawm ang mga teolohikal na pagbabago ng Jihad. 'Jihad para sa Kapakanan ni Allah' na kabilang sa mga relihiyosong paglalabag, at lalo na ang mga pagpapaslang batay sa nasyonalidad, kulay ng balat, at denominasyon"]
Ang kanyang alias ay Dr. Fadl.
Ang ibinansag sa kanyang pangalan ay Sayid Imam Abd-al-Aziz al-Sharif, ipinanganak noong 1950 sa bayan ng Bani Suef. Tinatawag na Dr. dahil siya ay isang doktor na nag-graduate mula sa Kaguruan ng Medisina, sa Unibersidad ng Cairo, noong 1974, na may pagpipitagan sa titulo.
Magsisimula ngayon si Dr. Fadl, sa mga pahina ng Al-Misri al-Yawm nang eksklusibo sa Ehipto, upang ilathala ang kanyang mga pagbabago at ang mga pagbabago sa kanyang samahan,ang Al-Jihad, na pinamagatang " Pangangatuwiran ng Jihad sa Ehipto at sa Mundo", sa pamamagitan ng pagdidiin sa pabalat na ang kanyang "dokumento ay ipinairal ng mga grupong jihadist sa Ehipto bilang isang dokumento ng mapayapang oryentasyon sa pagitan nito at ng Pamahalaan ng Ehipto".
Ang mga salita ni Sayid Imam--na sinasabi sa pabalat ng kanyang dokumento na may iba pa siyang alias: Abd-al-Qadar Bin Abd-al-Aziz Fadl--ay tama at wasto. Dahil ang dating Jihad Emir ay nagsimula sa kanyang mga tour ng pagsermon at lektura sa loob ng mga bilangguan, upang ipakita ang kanyang mga pagbabago sa mga grupo ng gurong Jihad, daan-daan sa kanila ang nagtaguyod sa mga pagbabagong ito. Sa katotohanan, nagdulot ito ng mga positibong konsiderasyon sa kanilang mga kundisyon, kung saan nagpalabas ang Interior Ministry ng mga jihadist.
Ibinabatay ni Fadl, ang gabay at dating Emir ni Ayman al-Zahawiri, ang kanyang dokumento sa jihad sa Islam sa isang patuloy at matiyagang "farida” [tungkulin sa relihiyon] ngunit sinasabing ang mga “jihadist” ay nagpakasasa sa napakaraming mga kamalian na bumibingit sa katiwalian.
Pinagdidiinan ng “Emir” na ang pagdanak ng dugo at pagsisira ng mga ari-arian nang walang pangangatuwiran ay isa sa mga bagay na nagdudulot ng pinakamasahol na galit ng Diyos.
Salamat kay Allah, ang Nag-iisa [Diyos] at Manlulupig. Ang Diyos ng mga kalangitan at sandaigdigan at ang pumapagitna sa mga ito. Ang May Dangal , ang Mahabagin.
Salamat kay Allah, ang Diyos ng mga mundo. Pinasasalamatan namin siya tulad nang dapat gawin ng mga mapagpasalamat. Kami ay nagsusumamo sa pamamagitan ng dasal at kapayapaan sa Kanyang totoo, at matapat na Propeta, ipinadala ng Kanyang Diyos bilang awa sa mga sandaigdigan, at lahat ng kanyang kalipi at disipulo. At dahil dito, ipinadala ni Makapangyarihang Allah ang Kanyang Propetang si Muhammad, mapasakanya sana ang mga dasal at kapayapaan ni Allah, at pati na ang pag-uunawang ispirituwal at tunay na relihiyon, upang lumitaw mula sa kadiliman ang mga tao patungo sa liwanag, sa pahintulot ng kanilang Diyos, sa Kanyang tuwid na daan. Siya [Allah] ay sumuporta sa kanya sa pamamagitan ng Kanyang dakilang tagumpay at kasama ng kanyang mga matapat na disipulo, mapasakanila sana ang mga dasal at kapayapaan ni Allah. Samakatuwid, ipinakita ni Allah ang kanyang relihiyon sa pamamagitan niya, mapasakanya sana ang mga dasal at kapayapaan ni Allah, at nakumpleto ang malawakang pakikilaban para sa kanya, sa kabila ng kanyang maraming mapipilit na kalaban. Kaya’t ang Propeta, mapasakanya sana ang mga dasal at kapayapaan ni Allah, at sa kanyang mga disipulo, ang mga dasal at kapayapaan ay mapasakanila, nilikha ang Estado ng Islam mula sa wala, hanggang sa ito’y naging isang masigla, at malawak na estado na binubuo ng mga Arabo, Persian, Turks, Berbers, Kurds, at Frinjah [Mga Taga-Kanluran]. Makalipas nito, sa ilalim ng proteksyon ng napakagaling na Islamic Caliphate, lumawak ito mula sa Bangladesh hanggang sa silangan patungo sa Marakish [Morocco] at Andalusia sa kanluran, at mula Tashkent, Azerbaijan, at sa Caucus sa hilaga patungong Yemen at Bahr al-Arab sa timog, sa nag-iisang kahanga-hangang estado na tumagal sa loob ng 1,300 taon hanggang sa naguho ang Ottoman Caliphate noong Ikalawang Giyera ng Mundo (1914-1918), nang ang mga kuwintas ng Muslim ay nakalas at nanghina at kumalat saan-saan.
Sa paghihina ng Ottoman Caliphate patungo sa katapusan ng ika-labing siyam na siglo AD, nasakop ng mga bansa sa Europa ang karamihan sa mga bansang Islamic na mundo. Pinaghiwa-hiwalay at pinahina nila ito, ninakaw ang mga kayamanan, at ipinagkait ang pagsulong ng industriya. Itinabi nila ang mga tao sa isang estadong may mga dibisyon, kaihirapan at hindi umaasenso. Sa pamamagitan ng puwersa ng pagsalakay ng militar, ipinatupad nila ang kultura at mga batas sa mga bansa ng mga Muslim. Ang mga bansa sa Europa na ito ay lumikha ng isang estado para sa mga Hudyo (Israel) sa puso ng mundong Islamic upang paalisin at pahiyain ito. Walang duda na naganap ang lahat nang ito sa mga Muslim dahil sa kanilang mga kasalanan. Dahil sabi ng Makapangyarihan "Anumang uri ng malas ang mangyari sa'yo ay sanhi ng mga bagay-bagay na napagsama-sama" (Surat Al-Shura, berso 30) [berso ng Koran]. Ang palaban na samahang ito ay pumipigil pa rin sa pangangaral nito sa mga bansang Muslim at humihiling sa kanila ng mas maraming mga konsesyon, sa pagapapatupad ng Makapangyarihan sa lahat na sinasabing “ Hindi kailanman masisiyahan ang mga Hudyo at mga Kristiyano sa iyo hanggat sundan ang kanilang uri ng relihiyon" (Surat Al-Baqara, berso 120) [berso ng koran].
Ang pagtataguyod ng kultura ng Europa at ang pagpapatupad ng mga batas nito ay nagtungo sa pagkalat ng katiwalian at unti-unting pagkasira ng moralidad sa mga bansang Muslim. Nagkaroon ng malay ang mga mararangal na Muslim ukol sa peligro, at hinikayat nila ang pagtatama sa mga ito, bago bumagsak ang Banal na pagkamuhi at pangkalahatang pagkasira. Naniwala sila na ang pagbabalik sa mga bansang Muslim sa pamamagitan ng Shari'a ng kanilang Diyos ang batayan para sa lahat ng pagbabago, para sa mga bansa at sa kanilang mga mamamayan. Bukod pa rito, ang paggamit ng pamamagitan ng Shari'a ay tungkulin ng bawat Muslim sa birtud ng kanyang pananalig sa kanyang Diyos. Siya ay magkakasala at ang kanyang pananalig ay hindi magiging balanse kung iwanan niya ito. Ito ay dahil sa kasabihan ng Makapangyarihan na "Ngunit hindi, sa ngalan ng Diyos, sila maaaring magkaroon ng (tunay) na pananalig hanggat ihusga ka nila sa lahat ng mga alitan sa pagitan nila, at hanapin sa kanilang mga kaluluwa ang hindi pamumuwersa laban sa iyong mga desisyon, ngunit tanggapin ang mga ito nang may ganap na paninindigan " (Surat Al Nisa, berso 65) [Berso ng Koran]. Sinabi ng Makapangyarihan na "Hindi tama para sa iyong mananampalataya, lalaki man o babae, kapag ang isang bagay ay napagpasyahan na ni Allah at ng Kanyang Propeta, na magkaroon ng iba pang opsyon tungkol sa kanilang desisyon. Kung may sinumang sumuway kay Allah at sa Kanyang Propeta, tunay nga siyang nasa maling daan " (Surat Al Ahzab, berso 36) [Berso ng Koran]. Samakatuwid ang paglalayo sa Shari'a ni Allah ay ang pinagmulan ng destruksyon sa mundo at sa Kabilang buhay. Sa pakikipagtalakayan, ang pamamagitan ng Kanyang Shari'a ay pinagsasama para sa mga Muslin ang pinakamahusay mula sa mundong ito at mula sa Kabilang buhay. Dahil sinabi ng Makapangyarihan na “Kung ang mga tao ng mga bayan ay naniwala at natakot kay Allah, dapat nga ay nagbukas tayo sa kanila ng mga biyaya na mula sa langit at sandaigdigan " (Surat Al A'raf, berso 96) [Berso ng Koran]. Sinabi ng Makapangyarihan na "Kung sila (mga Pagano) ay nanatili (lamang) sa (tamang) daan, tiyak Nating maihahandog sa kanila ang pag-ulan ng kariwasaan " (Surat Al Jinn, berso 16) [Berso ng Koran]. Ang kasaysayan ng mga Muslim ay isang sapat na katibayang mayroon silang kasaganahan, tagumpay, at kayamanan nang tangan nila ang kanilang Shari'a. Ang maliwanag na kasaysayan ng Islam na ito ay ang nag-iisang bagay na ipinagmamalaki ng mga Muslim sa kasalukuyan.
May iba't'ibang mga ruta na sinundan noong mga naghahangad na mamagitan sa Shari'a ng Islam sa kasalukuyan at manindigan sa mga lubos na makapangyarihan na tinatanggap lamang ang panghihiya at pagpapahina sa mga Muslim. Ang ilang mga grupong Islamiko ay nahantong sa pakikipagbanggaan sa namumunong mga awtoridad sa kani-kanilang mga bansa o sa mga lubos na makapangyarihan at ang kanilang mga mamamayan sa ngalan ng Jihad at para sa kapakanan ni Allah ang Lubos na Makapangyarihan, upang mataguyod ang kalagayan ng Islam. Ang mga banggaan ay kumakalat sa iba’t ibang mga bansa mula sa dulong silangan hanggang dulong kanluran. Ang mga hidwaan na ito ay pinagsama sa maraming mga paglalabag sa Shar'i [ang mga prinsipyo ng relihiyon, isang katawagang mas malawak pa kaysa sa Shari'a], tulad ng pagpapatay batay sa nasyonalidad; pagpatay dahil sa kulay ng balat o buhok; pagpatay dahil sa denominasyon o klasipikasyon; pagpatay sa mga Muslim at di-Muslim na hindi dapat patayin, at isang eksaherasyon sa pagdawit ng isyu ng Al-Tatarrus [walang sala sa pagpapaslang ng hindi lumalaban o “taong panangga” na mga sibilyan at Muslim habang pinupuntirya ang kalaban] upang palawakin ang ikot ng pagpaslang, lumaya mula sa salapi mula doon sa nangangako ng kaligtasan, at naninira ng ari-arian. Walang iba pang higit na sumasamo sa galit ng Diyos at ang Kanyang pagkamuhi tulad nang pagdanak ng dugo at paninira ng ari-arian nang walang pangangatuwiran. Ito ay isang tiyak na dahilan ng kabiguan sa sandaigdigan at panghihiya at pananagutan sa Kabilang buhay. Sinabi ng Makapangyarihan na "... mag-ingat iyong mga sumasalungat sa utos ng Propeta, at baka may sumapit sa pagsubok sa kanila o isang nakapanglulungkot na parusa ang maipataw sa kanila " [Surat Al Nur, berso 63) [Berso ng Koran].
Ang mga lumagda sa dokumentong ito, sa pagpapaalam ng kanilang kabiguan doon sa mga nasabing paglalabag sa shar'i at sa katiwalian na dulot nito, ipinapaalala sa kanilang mga sarili at sa pangkalahatang mga Muslim na ang ilang mga relihiyosong pamamahala sa figh [teolohiya] ng jihad. Pinatotohanan nila ang kanilang pananagutan sa mga pamamahalang ito tulad nang nabanggit sa dokumentong ito. Tinatawag nila ang ibang mga Muslim, lalo na ang mga bagong henerasyon ng kabataang Islam, na mabuklod sa mga ito, at huwag mahulog sa mga paglalabag ng shar'i tulad ng mga nauna sa kanila, bilang resulta ng pagka-ignorante sa relihiyon o sadyang kilos. Dahil [mga ninuno] hindi nila itinaguyod ang relihiyon ni tinulungan ang mundo, lalo na dahil ang jihad ay isang patuloy na relihiyosong tungkulin sa Bansa ng mga Muslim, dahil inutos ito ni Allah ang Makapangyarihan at hanggat ang pinakahuli sa kanila ay nakipaglaban sa Impostor kasama ng Panginoong Kristo na sumakanya nawa ang kapayapaan, sa katapusan ng mundo,tulad ng mga dasal ni Propeta Muhammad Allah at ang sinabi sa atin ng kanyang kapayapaan. Inilarawan ng Propeta ang jihad bilang "ang tugatog ng bugkol ng Islam ", dahil itinatabi ni Allah para sa mga Muslim ang kanilang relihiyon at kanilang mundo, kanilang pagpapahalaga at dignidad dito at sa Kabilang buhay. Samakatuwid ay kinakailangan na mangatuwiran sa pag-uunawa ng mga relihiyosong tungkulin ng jihad.
Aming nililikha ang mga patnubay sa relihiyon na ito upang bigyan kahulugan ang mga kilos ng jihad, sa mga artikulo kung saan aming idinedeklara ang aming pagsusunod. Tinatawag namin ang kalahatan ng mga Muslim, lalo na ang mga grupo ng jihadist sa iba't ibang bahagi ng mundo, upang sumunod sa mga ito. Sa paggawa nito ay aming naisasakatuparan ang aming tungkulin na magkaloob ng payo sa kapakanan ni Allah at ng Kanyang Libro, at ng Kanyang Propeta, mapasakanya sana ang mga dasal at kapayapaan ni Allah, at sa mga Muslim. Sinasabi namin ito habang ganap na pinasasalamatan at kinikilala na si kapatid na mujahidin saanman ay, tagapaglaban ng isang dakilang layunin at tagapagdulot ng marangal na misyon. Hindi totoo na sila ay naghahanap ng mga materyal na benepisyo. Sa katotohanan, marami sa kanilang isinasakripisyo ang kanilang sarili at ang mga mahahalagang pagmamay-ari para sa pagpapahalaga sa Islam at sa mga Muslim.
Mga Artikulo ng Dokumento:
Una sa lahat: Ang Relihiyon ng Islam
Ang relihiyon ng Islam ay ang pansarang relihiyon kung saan winakasan ng Makapangyarihan sa lahat na si Allah ang lahat ng mga mensahe ng kalangitan na ipinadala mula sa Kanya sa Kanyang Kataasan upang gabayan ang kanyang mga nilalang. Pinalakas niya ang loob nito hanggang pagkahuli-huling propeta at mga emisaryo o sugo, si Muhammad, sa kanya at sa kanila [mga emisaryo] ang pinakamainam na mga dasal at ang pinakalubos ng pagpapahalaga.
Pinagbubuklod ng Islam ang lahat ng nabigyan ng takdang gawain [na sambahin ang Diyos], makalupa man o kaluluwang nagsasahayop o nagsasatao, mula sa panahon nang ipinadala ang Propeta, mapasakanya sana ang mga dasal at kapayapaan ni Allah, hanggang sa Araw ng Muling Pagkabuhay. Sinabi ng Makapangyarihan sa lahat na: "Hindi ka namin ipinadala ngunit para maging isang tagapagbalita sa sandaigdigan para sa sangkatauhan, na nagbibigay ng masisiglang kapalaran at pagbibigay babala laban sa sala " (Surat Saba, berso 28) [Berso ng Koran]. Sinabi ng Makapangyarihan sa lahat na: "Sabihin sa sangkatauhan na Ako ay ipinadala sa inyong lahat bilang Propeta ni Allah'" (Surat Al Al A'raf, berso 158) [Berso ng Koran]. Sa Sahih [na may matinding pagsisisi] na Kasabihan ng Propeta, ang mga dasal at taglay na kapayapaan ni Allah ay nagsasaad na "isang propetang ginamit upang ipadala sa kanyang mga tiyak na tao, ngunit ako ay ipinadala para sa pangkalahatan ". Ito ay pinagkasunduan, at lahat ng mga tao mula noong Misyon ng Propeta hanggang sa Araw ng Muling Pagkabuhay ay “ang bansang tinawag” upang sumali sa relihiyon ng Islam. Sila ay tinatawag sa kasabihan ng Makapangyarihan na "Sangkatauhan" sa Koran. Sa mga sumasamo sa tawag ay ang "Bansang Tumutugon", at ang mga Muslim na tinutukoy sa kasabihan ng Makapangyarihan sa Koran ay ang: "Iyong mga naniwala".
Ito ay hanggang sa sukdulan ng kaalaman ng sangkatauhan. Hinggil naman sa misyon ng Propeta para sa mga kaluluwang nagsasahayop o nagsasatao, kinumpirma sa katapusan ng Surat Al Ahqaf at sa katapusan ng Surat Al Jinn.
Ang Kahulugan ng Nagbubuklod na Katangian ng Relihiyong Islam: Ito ay hindi pagsasaalang-alang ng Makapangyarihan sa Lahat na si Allah ang lahat ng kanyang mga nilalang na natugunan mula nang Misyon ng Propeta, ang mga dasal ay taglay na kapayapaan ni Allah hanggang sa Araw ng Muling Pagkabuhay, maliban sa batayan ng relihiyong Islamiko, mula sa panahon nang makita ang Anghel ng Kamatayan na nakahiga sa puntod, pagkatapos ay ang muling pagkabuhay at pananagutan sa huling hantungan sa mataas na paraiso o sa mainit na impyerno. Kaya’t doon sa mga hindi tumanggap sa relihiyong Islam, o doon sa mga tumanggap nito ngunit lumayo mula sa Shari'a nito sa pamamagitan ng pagsasagawa ng isa sa mga pagtaliwas sa Islam, ay walang dudang magmamaliw kung sila ay mamatay habang nasa kalagayan na ito. Sinabi ng Makapangyarihang Allah na: "Kung naisin ng simuman ang isang relihiyon maliban sa Islam, hindi kailanman ito tatanggapin mula sa kanya, at sa Kabilang buhay ay makakasama niya ang mga tulad niyang mga talunan" [Surat Al Imran, berso 85) [Berso ng Koran]. Sinabi ng Makapangyarihan sa Lahat na: "... iyong mga sekto na tumanggi dito, apoy ang kanilang magiging lugara pagkikitaan ..." (Surat Hud, berso 17) [Berso ng Koran]. Sinabi ng Makapangyarihan sa Lahat na: "Kung ikaw ay sumali (sa mga diyos ni Allah), tunay na hindi magbubunga ay iyong gawain at ikaw ay tiyak na masasabay kasama ng mga talunan " (Surat Al Zumar, berso 65) [Berso ng Koran]. Ang Shaykh ng Islam Ibn Taymiyah, patawarin sana ni Allah ang kanyang kaluluwa, ay sinabing "walang dudang alam sa relihiyon ng Islam--at ito ay ipinapagtibay ng lahat ng mga Muslim--na ang taong nagtaguyod sa mga tagasunod ng mga relihiyon maliban sa relihiyon ng Islam, o sumusunod sa shari'a na iba kaysa sa shari'a ni Muhammad, mapasakanya sana ang mga dasal at kapayapaan ni Allah, ay isang kafir [taong walang pinaniniwalaang relihiyon]" (Koleksyon ng Fatwas, aklat 28).
Ang Kahulugan ng Relihiyon ng Islam: Ito ang "istislam" [Salitang Arabo para sa sumuko], o pahintulutan ang sarili na ganap na mapamunuan ng shar'i ng Makapangyarihang Allah. Ito ang pagdikta ng pag-aalipin para kay Allah lamang, nang walang ibang kasama. Tulad nang sinabi ng Makapangyarihan sa lahat: "Pagmasdan, sinabi ng kanyang Panginoon sa kanya, magpugay (ang iyong hangad para sa Akin). Sinabi niyang ako ay magpugay (ng aking hangad) sa Panginoon at Tagapagmahal ng Sandaigdigan " (Surat Al-Baqara, berso 131) [Berso ng Koran]. Ang nasabing pagsuko, ang nasabing pagpapahintulot sa isang matu na mapamunuan, at ang nasabing pag-aalipin ay matamo sa pamamagitan ng pananampalataya kay Allah sa paraan na nais ng Makapangyarihan, ay hindi kung paano natin gusto, sa pamamagitan ng pagsunod sa Shar'i ng Makapangyarihan sa bawat parte ng buhay , malaki man ito o maliit, hindi laman sa pananalig at pananampalataya. Ito ang nilinaw ng Makapangyarihan sa Kanyang kasabihan: "Sabihin nang may katotohanan, ang aking dasal at ang aking serbisyo ng pagsasakripisyo, ang aking buhay, at aking kamatayan, ay (lahat) para kay Allah, at Tagapagmahal ng Mga Mundo. Wala siyang kasamahan. Ito ay nautos sa akin, at ako ang una doon sa mga magpupugay sa Kanyang Hangad " [Surat Al An'am, berso 162) [Berso ng Koran]. Sinabi ng Makapangyarihan: "... at aming ipinadala sa inyo ang isang Libro na nagpapaliwanag sa lahat ng bagay ..." (Surat Al Nahl, berso 89) [Berso ng Koran]. Tulad nang mensahe ng Islam ay nagbubuklod sa lahat ng sangkatauhan, "at ito ang pagiging panandalian at may kinalaman sa espasyo" [tandang panipi mula sa pinamulan], pinagbubuklod din sila nito ang lahat ng mga gawain sa kanilang buhay, "at ito ang kaukulang palayon". Ito ay tumutupad sa lahat ng mga ito hanggang sa Araw ng Muling Pagkabuhay, dahil walang ibang Propeta pagkatapos ni Muhammad, mapasakanya sana ang mga dasal at kapayapaan ni Allah.
Kung ang Islam ay natupad sa pamamagitan ng pagbibigay ng karapatang mauna ang kaukulang palayon ng Diyos kaysa sa palayon ng tao, ito ay nilalabag o nagpapasama ng loob sa pamamagitan ng paglabag dito. Ang mga paglabag ay mayroong iba’t ibang grado:
- Iyong nagbigay ng karapatang mauna sa pagpupunyagi ng sarili laban sa pagpupunyagi ng kanyang Diyos sa mga pangkaraniwang bagay, ito ay iyong mga nagkakasala ng maliit "na tinatawag na rebelyon ";
- Iyong nagbibigay ng karapatang mauna sa pagpupunyagi ng sarili laban sa pagpupunyagi ng kanyang Diyos sa malalaking mga bagay ay iyong nagkakasala ng malaki "na tinatawag na pagkakalulong sa kaligayahang pangmundo o imoralidad";
- At iyong nagbibigay ng karapatang mauna sa pagpupunyagi ng sarili laban sa pagpupunyagi ng kanyang Diyos sa mga kardinal na bagay ay iyong mahulog sa "kufr" [kataksilan]. Ito ay dahil ang Makapangyarihang Allah ay inilarawan sa kufr bilang " supremong mapaminsala " (Surat Al Waq'iah, berso 46) [Berso ng Koran]. Sinabi ng Makapangyarihan na: " ... Ang pagtalaga ng mga kasamahan para kay Allah ay tulad nang pagplano ng sala na tunay na karumal-dumal " (Surat Al Nisa, berso 48) [Berso ng Koran].
Ipinagbawal ng Makapangyarihang Allah ang lahat ng mga paglalabag na ito sa kanilang iba’t ibang antas. Sinabi ng Makapangyarihan na: "... Ngunit ipinalapit ng loob ni Allah sa iyo ang paniniwala, at pinaganda ito sa inyong mga puso, at ipinamuhi niya sa iyo ang kawalan ng paniniwala, ang pagiging masama, at rebelyon ..." (Surat Al Hujurat, berso 7) [Berso ng Koran]. Ang lahat ng mga sala na ito ay bukas sa pagsisisi at kapatawaran sa buong buhay ng tao. Para naman doon sa namatay habang nasa kalagayan na ito, ito ay isang kilalang detalye sa mga libro ng pananalig at teolohiya. Tinutukoy ni Al-Bayhaqi ito sa kanyang libro na "Shu'ab al-Iman", ayon kay Al-Hulaymi, mapasakanila sana ang awa ni Allah.
Sa kanyang libro "Pagkakasabay-sabay ng mga Prinsipyo ng Shari'a", unang aklat, Imam al-Shatibi, mapasakanya sana ang awa ni Allah, ay binanggit na “ Binuo ni Allah ang Shari'a sa isang paraan na ang paglihis ng mga isip ay susunod sa layunin ng Mambabatas [Diyos]". Ito ang kahulugan ng pagtatalaga ng gawain, upang hindi gawin ng Muslim ang salungat sa pamamagitan ng pagbabaluktot ng teksto ng Shari'a upang sumang-ayon sa kanyang mga paglihis, dahil ito ay mag-iiba sa nais ng Makapangyarihang Allah.
Sa saklaw ng jihad para sa kapakanan ng Makapangyarihang Allah, ito ay isa sa mga sangay ng pananalig, o ang "tugatog ng bugkol ng Islam", tulad nang wastong nabanggit mula sa minamahal na napili, mapasakanya sana ang mga dasal at kapayapaan ni Allah. Sa napakalaking saklaw na ito, ang pag-aalipin ng mga Muslim sa kanilang Diyos na Makapangyarihan ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng karapatang mauna sa pagpupunyagi ng kanyang Diyos kaysa sa kanyang sariling pagpupunyagi. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kaalaman ng Muslim na si Allah ay gumawa ng tungkulin para sa kanya sa isang takdang panahon, ayon sa kanyang kakayahan. Makukuha niya ang gantimpala kung ano ang kaya niyang gawin, at siya ay mapapatawad mula sa sala ng hindi niya kayang gawin. Ito ang paraan ng Muslim sa lahat ng kanilang mga gawain, sa jihad at sa ibang mga isyu. Ngunit ang paglalagay ng layunin ng Muslim para sa kanyang sarili na higit sa kanyang kakayahan at hindi angkop sa kanyang mga kundisyon, kung lehitimo man ito, at pagkatapos ay sundan ang kahit na anong daan upang matamo ang kanyang layunin, nang hindi natatali sa mga limitasyon ng Shari'a, sa gayon ay nabigyan niya ng karapatang mauna ang kanyang pagpupunyagi kumpara sa pagpupunyagi ng Diyos para sa kanya. Hindi ito ang paraan ng mga Muslim kung hindi ang paraan ng mga rebolusyonaryong sekularista. Sa Islam, walang bagay na tinatawag na "ang resulta ay nagbibigay katuwiran sa pamamaraan", kahit na dakila at lehitimo man itong resulta. Sa kabilang dako, sinasamba ng Muslim si Allah sa pamamagitan ng mga paraan na ginagamit sa parehong paraan na sumasamba siya sa hinahangad na resulta. Kung siya ay mamatay bago matamo ang resultang ito, makukuha niya ang gantimpala sa pagsubok, at siya ay patatawarin mula sa kanyang mga sala nang hindi niya kayang gawin. Tulad nang sinabi ng Makapangyarihan: "Ang siyang nagpabaya sa kanyang tirahan para sa kapakanan ni Allah, ay makakahanap ng proteksyon sa sandaigdigan, na malaki at malawak. Siyang umalis mula sa kanyang tirahan bilang isang refugee, para sa kapakanan ni Allah at ng Kanyang Propeta, ay tapos ay mamatay, ang kanyang gantimpala ay kailangang matamo at tiyak kay Allah, at si Allah ay madalas na mapagpatawad, at pinakamahabagin " [Surat Al Nisa, berso 100) [Berso ng Koran]. Sinumang sumunod sa isang daan na hindi nabigyang pahintulot ng shar'i, ang kanyang kilos ay walang bisa at hindi tatanggapin, at hindi ito tatanggapin mula sa kanya ni Allah. Tulad nang sinabi ng Makapangyarihan sa kanyang Kadakilaan: "... Tinatanggap (lamang) ni Allah ang sakripisyo noong mga makatuwiran." (Surat Al Ma'idah, berso 27) [Berso ng Koran]. Sinabi ng Propeta, mapasakanya sana ang mga dasal at kapayapaan ni Allah: "Iyong mga nagsagawa ng kilos na hindi natin inutos, at kanilang kilos ay tatanggihan ", isang kasabihan na isinalaysay ng Muslim[isa sa mga awtoridad sa mga kasabihan ng Propeta]. Ang kahululgan ng “tinanggihan” dito ay hindi ito tinatanggap ni Allah. Kaya’t tinitiyak na ang wasto ay ang tungkulin na dapat sundan bago magpatuloy sa kahit na anong kilos, dahil si Allah sa Kanyang Kadakilaan, ay isasaalang-alang kung ano ang ninais niya mula sa atin at kung ano ang pinili niya bilang shar'i para sa atin, at hindi kung ano ang nais o pinahintulutan natin sa ating sarili.
Ang Muslim ay hinihiling na kumilos ayon sa Shari'a, at may gantimpala siya mula kay Allah na alinsunod sa kusa na kanyang ginawa ayon sa limitasyon ng kanyang kakayahan. Hindi isasaalang-alang ni Allah kung ano ang hindi niya nagawa at hindi isasaalang-alang ang hindi niya pagtupad sa kanyang layunin. Ito ay malinaw na nakasaad sa itaas na berso na " Siyang umalis mula sa kanyang tirahan bilang isang refugee ", at sa kasabihan ng Propeta, mapasakanya sana ang mga dasal at kapayapaan ni Allah, tungkol sa mangyayari sa Araw ng Muling Pagkabuhay para sa mga bansa ng mga propeta at tagasunod nito. "At ang Propeta ay darating na may kasamang dalawang lalaki, at ang propeta ay darating na may kasamang isang lalaki, at ang propeta ay darating nang walang kasama". Ang kasabihang ito ukol sa propeta ay pinagkasunduan ng Ibn Abbas, ikalugod sana sa kanya ni Allah. Ang kasabihan na ito ay tungkol sa pagsunod sa kagustuhan ni Allah, kung saan may "ang Ukasha ay nauna sa iyo dala ito". Ang bawat isa sa kanila, ay ginawa kung ano ang inutos ni Allah para sa kanila tungkol sa pagpapahiwatig ng kanyang mensahe. Sa Kanyang Kadakilaan, hindi niya isasaalang-alang ang bilang ng kanilang mga tagasunod. Kaya’t ang Muslim ay hinihiling na magtrabaho ayon sa Shari'a ngunit hindi depende sa kanya upang matamo ang mga layunin, dahil ang mga ito ay depende sa destino at kagustuhan ni Allah, sa Kanyang Kadakilaan. Ang resulta ay matatamo kung ang wastong mga kadahilanan ay naroroon, maliban kung iba ang gusto nang tadhana. Samakatuwid ay mauunawaan mo na hindi totoong "ang bawat kilos na nagkulang sa pagtatamo ng layunin ay walang bisa ". Heto ang isa sa mga propeta, mapasakanila sana ang kapayapaan, na nagdala ng tulong na hiniling mula sa kanyang gawin ngunit walang sumunod sa kanya, kaya't ang kanyang layunin o ang bahagi nito ay hindi natamo. Wala bang bisa ang kanyang kilos? Ito ay dahil sinabi ng Makapangyarihang Allah na: "Kami ay hind nagpadala ng Mensahero ngunit upang sundin, ayon sa Nais ni Allah " (Surat Al Nisa, berso 64) [Berso ng Koran]. Ngunit may propetang walang sinuman ang sumunod. Wala bang bisa ang kanyang kilos dahil nagkulang siya sa pagtatamo ng kanyang layunin? Sa pamamagitan nito ay alam mo na hindi wastong gamitin ang naunang pangungusap sa bawat kilos na nagkulang sa pagtatamo ng layunin nito, at bilang konsekuwensiya ay ipapawalang bisa ito. Hindi ito totoo. Basta’t ang kilos ay alinsunod sa Shari'a, makukuha ng Muslim ang kanyang gantimpala nang ayon sa kusa na kanyang naipalabas, kahit na hindi niya natamo ang kanyang layunin, tulad nang pinatunayan sa berso. At sinabi ng Makapangyarihan na: "Samakatuwid, ang sinumang gumawa ng katumbas ng timbang ng atomo ng kabutihan, ay nakikita ito. At sinumang gumawa ng katumbas ng timbang ng atomo na kasamaan, ay makikita ito " (Surat Al Zalzalah, mga berso 7 at 8) [Berso ng Koran]
Submissions and suggestions: contact@seventhpillar.net