Si Mohammed El Fazazi, isang radikal na klerigo na ikinulong sa Morocco para sa kanyang pagkakasangkot sa pag-atake ng mga terorista noong 2003 sa Casablanca, ay sumulat ng isang liham sa kanyang anak na babae na nagsusumpa sa ilang mga uri ng karahasan noong Hulyo 21, 2009.
Ang aking anak na babae ay nagbigay sa akin ng ilang mga katanungan na may layunin na makahanap ng mga kasagutan tungkol sa situwasyon ng mga imigranteng Muslim sa Germany at ang kanilang ugnayan sa estado ng Germany. Itinuturing ko ang aking sarili bilang tunay na masaya na inihayag niya ang mga paksang ito sa akin dahil ito ay nagkakaloob sa akin ng pagkakataon na ipahayag ang aking mga nasasa-isip at opinyon tungkol sa mga isyu na ito at magkaloob ng mga sagot para doon sa mga naghahangad nito.
Gusto kong ideklara unang-una sa lahat na Ako, si Muhammad bin Muhammad El Fazazi, ang may akda ng mga linyang ito, ay hindi pinilit na isulat ang mga ito. Hindi ako pinilit na isulat ito, dahil ako ay nasa bilangguan o napilit na gawin ito o dahil nais kong magkunwari tungkol sa isang bagay -- at, bilang katibayan nito, magsisilbi ng mga makatuwirang argumento ng sharia na aking ipapahayag dito.
Bilang karagdagan, ang aking situwasyon sa bilangguan ng Morocco ay di pangkaraniwan, takdang ibinigay ang mga karapatan na aking ikinalulugod dito at ang respeto na ipinapakita sa akin. Walang nagkukulang sa akin maliban sa aking kalayaan, at ako ay umapela sa makalapangyarihang Allah na ibigay ito pabalik sa akin sa lalong madaling panahon. Ito ay dahil alam ng lahat, kabilang na ang gobyerno ng Morocco, na ang mga paratang laban sa akin, sanhi ng mga pag-atake sa Casablanca, ay hindi totoo. Ang mga ito ay kumakatawan sa isang malaking pagkakamali mula sa secret service ng Morocco. Ang pagkakamaling ito ay dapat na maiwasto.
'Ako ay isang Muslim at Wala nang Iba pa'
Tungkol sa mga katanungan tungkol sa aking mga paniniwala at mga punto ng sanggunian sa relihiyon bago pa man ako lumipat sa Aleman na lungsod ng Hamburg, heto ang aking pananaw: Ako ay isang tao na ang personalidad ay ipagsama-sama mula sa iba't ibang pinagmulan at marahil ay posibleng sabihin bilang buod na hindi ko pinagkakatiwalaan masyado na ang ilang mga tao ay sobra-sobrang mag-isip, dahil ako ay umaasa sa mga argumento na inihaharap ng mga taong ito.
Wala akong partikular na sheik na sinusundan maliban sa Koran at sa sunna ng propeta. Maliban dito, ako ay isang modernong tao. Sa loob ng 32 taon, ako ay isang guro ng Pranses at matematika, at sa loob ng higit sa 30 taon ay nagsilbi sa Da'waand, aking inilaan ang aking sarili sa pagtuturo sa ilalim ng mga pag-aalaga ng Ministry of Islamic Affairs sa Morocco. Sa madaling salita: ako ay isang Muslim at wala nang iba pa. Hindi ako isang Salafistjihadist at hindi ako isang tradisyonal na Salafi. Hindi ako isang Kapatid na Muslim o iba pa. Ako ay isang Muslim at wala nang iba.
Tungkol sa aking mga libro at mga pananalita at talakayan -- na bahaging naglalaman ng mga paniniwala na masasama patungo sa aking mga kalaban -- dapat ay isipin ang kabuuan ng mga katawagan ng panahon at lokasyon at hindi dapat dagdagan ang pagkakasalin dito nang higit sa tunay na nilalaman. Ngayon ay sinasabi ko dito sa publiko ako ang naging pakay ng mga masasamang pag-atake ng mga maka-kaliwa na grupo sa Morocco. Ako ay na-insulto, napuwersa, mali ang pagkakapaliwanag sa aking mga sinabi sa mga dyaryo at talakayan. At karamihan sa aking mga sinabi sa mga libro ay isang pagsagot sa mg pag-aatake na ito at isang kilos ng pagtatanggol sa sarili. At aking inaamin na sumobra ako at lumampas sa pakay sa aking pagtangka na labanan ang aking mga naririnig tungkol sa aking sarili ng mga kalabang taga-kaliwa at iba pang mga puwersa. Kaya't iyan ang konteksto na kung saan dapat na unawain ang aking mga libro at artikulo.
'Ako ay Lumayo Mula sa Ilan sa Aking mga Paniniwala'
Walang duda, ang maraming taon na aking nagugol bilang bilanggo ay nagbigay sa akin ng pagkakataon na makapag-isip at matinong makapag-muni muni. Hindi ko ikinahihiya na ako na aking muling nagmumuni-muni sa aking mundo ng pag-iisip at lumayo mula sa ilan sa aking mga paniniwala. Ito ay isang mapupuring bagay at hindi dapat na pagreklamuhan.
Para naman sa mga tanong hinggil sa mga imigranteng Muslim at ang estado ng Germany o mga estadong sa Kanluran sa pangkalahatan: Ang unang mga dapat sumagot sa mga tanong na iyon ay ang mga marurunong na tao na sila mismo ang lumisan, dahil mas alam nila ang tungkol sa mga detalye at higit pa tungkol sa mga partikular na ugnayan na iyon, sila ay namumuhay araw-araw at nararanasan nila ang kaugalian ng mga institusyon ng estado at nakikipag-ugnayan sa populasyon.
Ngunit kung kailangan kong sabihin ang aking personal na pananaw tungkol dito, bilang isang tao na mayroon lamang dalawang pagkakataon na mamalagi ng dalawang linggo sa Germany -- ni hindi sapat ang panahon upang mapahintulutan ako na lubos na makilala ang mga tao at ang bansa o kahit man lamang ang komunidad ng Muslim doon -- sa gayon ay masasabi ko na ang imigranteng Muslim, saan man siya nanggaling, ay karaniwang dumating sa Germany dahil nais niyang matuto doon o nais niyang magtrabaho, humangad ng medikal na paggagamot o ilan pang mga bagay-bagay. Siya ay tinanggap ng Germany sa ilaim ng ilang mga partikular na kundisyon.
'Ang Germany ay Hindi Isang Lugar ng Labanan'
Upang mabuo ang mga kundisyon na ito, sinulatan ang ilang mga form at naareglo ang ilang mga kontrata. Sa mga kasong ito, ating pinag-uusapan ang mga totoong kontrata na sinusunod. Sa katotohanan, ito ang tinatawag na isang AhdAmam,isang kontrata ng seguridad para sa parehong panig at sinabi ni Allah sa kanyang mahal na libro: "Ikaw na nagkaloob ng seguridad, itabi ang mga kontrata."
Kaya't sinusundan nito ang kahit na anong bagay na sumisira sa mga kontrata -- hal. sa pamamagitan ng pagdedeklara ng pagnanakaw ay halal o sa pamamagitan ng pagpapahintulot ng pagpapaslang sa populasyon sa ngalan ng jihad o sa pamamagitan ng paggagawa ng mga selda na inilalagay ang mga tao sa katayuan na takot at sindak at iba pa -- sa aking mga mata, ito ay bahagi ng isang paglalabag sa kontrata at paglinlang bilang ugnayan sa nilagdaan sa embahada, sa konsulato o sa tanggapan ng imigrasyon.
Ang Germany ay hindi isang lugar ng labanan. Ang Germany ay isang lugar na pinagtatrabahuhan, isang paaralan kung saan natututo, mga workshop para sa mga pamumuhunan, mga ospital para sa paggagamot at isang merkado para sa pagbebenta ng mga bagay-bagay. Sinasabi sa ibang paraan, ang Germany ay isang lugar para sa tahimik na pamumuhay nang sama-sama at magandang pamumuhay -- at hindi dahil ang mga hukom at pulis sa Germany (…) ay nagpoprotekta sa mga dayuhan at inaalagaan ang mga ito.
'Grupo ng Mga Paatras Tumingin na Mga Hangal'
Siyempre pa ay mayroong mga tao, at sila ay hindi mga marurunong na tao, na nagsasabing ang Germany ay isang miyembrong estado ng NATO at ang Germany ay bahagi ng mga estadong iyon na lumalaban sa mga Muslim sa Afghanistan at sumusuporta sa estado ng Israel.
Sinasabi ko na tama ito. Ang isang inhustisya ay parating isang inhustisya at lahat ay dapat na manindigan laban sa inhustisya, kasama na ang mga mamamayan ng Germany. Alam ko na ang (mga taga-Germany) ay laban sa giyera at pananakop at mayroon silang higit sa isang inihayag sa publiko na pagtatanggi sa giyera.
Trabaho ng mga imigrante na makipagtalo at makisali sa mga nasabing tao. (Ito ay dapat na gawin) sa pamamagitan ng mga mapayapang demonstrasyon, welga at protesta na malayo mula sa mga walang pinipiling pag-aatake, pagpapatay sa mga inosente batay sa argumento ng pagpapatay sa kuffar, o mga di naniniwala.
Ang pagtatanggi ng German o iba pang patakarang dayuhan ay dapat na ayusin sa pamamagitan ng mga sibilyan at mapayapang paraan na paglaban.
Ang lakas ng argumento ay hindi nakasalalay sa bala ng baril, sa karahasan o mga sumasabog na bombang sinturon. Hindi magdudulot ang mga ito ng pagbabago. Palalakasin lamang nito ang pag-atras ng mga Muslim at ang kanilang imahe bilang isang grupo ng paatras na tumitingin na mga hangal, na kung saan ang tamang kinalalagyan ay sa mga kuweba at hindi sa mga kalye ng Hamburg, Frankfurt, Berlin o saanman. Iyan ang ibig sabihin nito.
'Aking Ipinapayo sa Lahat na Mapayapang Mamuhay nang Sama-sama'
Nais ko rin idagdag, sa isang malinaw na wika, na ang Hamburg (dahil ang tanong ay tungkol sa Hamburg) ay isang lungsod na may maraming mga relihiyosong sekto, ideolohiya at mga politikal na direksyon. Maliban sa mga iyon, ang mga relihiyosong komunidad ng Islam -- para sa mga dahilan na aking nabanggit na at iba pang mga karaniwang tinatanggap na dahilan -- ay naitatag doon. Bukas ang mga moske, at marami ang mga ito at protektado sila. May tunay na kalayaan ng relihiyon na wala sa maraming mga estado ng Muslim. Ang mga bagay-bagay na nagtuturo sa mga tao at mga guro na maaaring sabihin doon ay hindi maaari sa ibang mga Muslim na bansas.
Maraming mga paraan at posibildad ng pagpapahayag ng sarili, at bukas ito sa lahat. Iyon, muli, ay malayo mula sa mundo ng Muslim. Walang pagbabawal sa mapayapang pagtataguyod ng Islam. Sa loob ng saklaw ng mga legal na posibilidad at pangkalahatang ugnayan sa pagitan ng nag-anyaya at bisita, maaaring ipahayag ang kanyang opinyon at kumatawan sa kanyang paniniwala.
Hindi ako naniniwala na kahit na ang mga namumuno doon (Germany) ay isasara ang mga pintuan ng kanilang mga tanggapan o mga tainga sa mga kahilingan ng komunidad ng Muslim. Ito ang dahilan kung bakit ko pinapayuhan ang lahat na mapayapang mamuhay nang sama-sama. Ang malaking mundo ni Allah ay bukas sa kahit na hindi ito magawa. At para doon sa mga walang ibang gusto kung hindi ang pagpatay, dugo, at pagnanakaw na walang kinalaman sa relihiyon ni Allah Ang Dakila -- ni sa Germany o saan pa man.
'Ang Pagkagat sa Pagkain na Kanyang Kinita Mag-isa ay Malinamnam at Matamis'
Pagdating sa pagkita para sa ikabubuhay, trabaho at hindi pagtrabaho, sa aking palagay ay hindi pinapahintulutan na umasa sa estado ng Germany at iwasan ang pagtrabaho upang mamuhay, at sa halip ay angkinin ang mga benepisyo ng hindi pagtrabaho at iba pang tulad nito. Totoo na may ilang mga larangan ng trabaho na hindi angkop para sa mga Muslim, ngunit totoo din na maraming marami pang ibang mga posibilidad para sa pagtatrabaho na, mula sa pananaw ng Islam, ay halal at samakatuwid ay pinapahintulutan.
Mas mainam na siya (ang Muslim) ay mamuhay mula sa gawain ng kanyang mga kamay at pawis ng kanyang mga kilay dahil ang mapupunong bibig ay malinamnam at matamis.
At para doon sa mga kalye ng Hamburg na ang palagay sa jihad ay ang daan ng Diyos, dapat nilang isipin ang buhay, dahil ito ang tunay sa jihad sa daan ng Diyos. Ang simpleng katotohanan na may 46 mga silid-dasalan sa Hamburg at isang katibayan mismo ng pag-unawa na ipinapakita ng estado ng Germany patungo sa mga Muslim. Walang maihahambing na mas malaking bilang ng mga simbahan sa isang lungsod sa anumang bansang Islam. May kaunti akong kaalaman tungkol sa mga pagkakahiwa-hiwalay sa pagitan ng mga nagtatag ng mga moske na iyon at kahit na sa partikular na komunidad ng mga moske. Malayo ang narating nito na ang bahaging ito ay naging isa sa mga kakaibang katangian ng mga Muslim. Ang malungkot na estadong ito ay nagpapahina sa lakas ng Muslim.
Kahit na kapag nais nilang makisali sa isang talakayan sa estado ng Germany ukol sa ilang mga isyu, ginugulo nila ang estado sanhi ng lahat ng mga di pagkakasunduan na ito.
Submissions and suggestions: contact@seventhpillar.net