Si Nasir Abas ay isang pinuno ng Jamaah Islamiyyah ng Indonesia ngunit umalis sa grupo nang ito ay nagsimulang umatake sa mga sibilyan tulad nang ginawa ng al-Qa'ida. Mula noon ay nakapagsulat na siya ng libro at nakapagsagawa ng napakaraming mga panayam tungkol sa kaniyang pagkamuhi sa karahasan laban sa mga sibilyan sa ngalan ng relihiyon. Ang sumusunod ay kaniyang mga sinabi sa isang panayam noong 2005:
“Ang aming trabaho ay upang protektahan ang aming paniniwala sa Islam, upang protektahan ang mga Muslim, upang protektahan ang aming inang bayan. Iyan ang jihad. Ngunit kung ikaw -- kung kami ay -- kung nangangahulugan ang jihad na pumatay ng mga sibilyan, mga hindi Musliam, hindi ito jihad.”
“…sapagkat ang aking itinuturo ay magagamit lamang sa pook ng labanan, gamitin upang ipagtanggol ang kanilang inang bayan.”
“Ako ay nababalisa nang aking narinig ang ilan sa aking mga kaibigan, ilan sa aking mga estudyante, ilan sa aking mga kamag-anak, alam mo, tulad ni Ali Grufanis, siya ang aking bayaw. Siya ay kasangkot sa mga pagbomba sa Bali noong Oktubre. Kaya’t,oo, naiinis ako. Sa aking palagay ay mali ang daan na kanilang napili. Mali nilang nagamit ang kaalaman.”
“…ito ay isang pagkakataon at panahon na aking ipaliwanag sa mga tao, 'yung alam mo na, na ang ideolohiya ay mali.”
“Ipinaliliwanag namin sa kanila na ang ideolohiya ay taliwas, ito’y isang pagtataliwas sa Islam, isang hindi pagkakaunawaan, maling pagpapaliwanag tungkol dito -- ang Islam ay tungkol lamang sa banal na Koran.”
Submissions and suggestions: contact@seventhpillar.net