Noong Pebrero 2008, ang pinuno ng paaralan ng Deobandi ay nagpalabas ng isang fatwa--na sinuportahan ng 6,000 mga miyembro--sa India laban sa karahasan sa ngalan ng relihiyon. Ang pamumuno at mga layunin ng konserbatibong Muslim na sekto ng Deobandi ay naka-impluwensya sa Taliban.
Ang Fatwa na ito ay ipinalabas gamit ang papel na may pamuhatan ng Darul Uloom Deoband. (Nilagdaan at sinelyuhan ng Grand Mufti at tatlo sa kanyang mga Katulong sa Departamento ng Fatwa ng Darul Uloom Deoband).
Sa ngalan ni Allah, ang pinakamahabagin at pinakamaawain.
Sagot (kasama ng mga biyaya ni Allah): Ang Islam ay isang relihiyon ng Kapayapaan at Armoniya. Sa Islam, ang paglikha ng alitan o kaguluhan sa lipunan, pagpapawalang-halaga sa kapayapaan, pagsali sa riot, pagdanak ng dugo, pagnanakaw o pandarambong at pagpaslang sa mga inosenteng tao saanmang parte ng mundo ay LAHAT itinuturing bilang sukdulang hindi makataong mga krimen.
May ilang mga berso sa Quran na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpapawalang-halaga sa kapayapaan. “Huwag ikalat ang alitan sa Sandaigdigan makalipas itong maitakda sa kapayapaan” (Surah Aaraf, V.56); “Kapag siya ay (ang nagsimula ng kaguluhan) tumalikod, ang kanyang pakay ay ikalat ang kaguluhan saanmang parte ng sandaigdigan, upang sirain ang mga pananim at baka at kalabaw ngunit hindi mahal ni Allah ang kaguluhan.” (Surah AlBaqarah V.205); “At huwag ikalat ang alitan sa (ibabaw) ng mundo” (Surah alBaqarah V.60). Malinaw na inilalahad ng Quran na ang pagpapatay sa (kahit) isang inosenteng tao ay katumbas ng masaker sa lahat ng sangkatauhan dahil ito ay tila nagbubukas sa sagka na lumilikha ng isang pangyayari na hindi aawat ng kahit na sino; habang ang pagliligtas sa isang buhay ay katumbas ng pagsagip sa lahat ng sangkatauhan. Sinabi ni Allah na “Dahil doon: Aming inutos sa mga bata ng Israel na kung may kahit na sinong pumatay sa isang tao - maliban kung ito ay para sa sadyang pagpaslang o sanhi ng pagkakalat ng kaguluhan sa kalupaan - ito ay tila pinatay niya ang lahat: at kung may kahit na sinong lumigtas ng isang buhay. Ito ay tila niligtas niya ang buhay ng lahat.” (Surah Maidah, V.32) sa ibang lugar ay malinaw itong nautos, “at huwag pumatay ng kahit na sino na ang pagpatay ay ipinagbawal maliban lamang sa isang makatarungang paraan.”
Ang saklaw ng pagdidiin ng Islam sa kapayapaan ay nakita mula sa katotohanan na kahit na ipinagkakaloob ang karapatan ng pagtanggol sa sarili para sa mga naaapi, ipinipilit nito na hindi maaaring kumilos nang higit dito bilang paghihiganti at mahigpit na ipinagbabawal ang pagpuntirya sa sinumang inosenteng tao. Kung kaya't, sabi ng Makapangyarihang Allah, “Lumaban para sa simulain ni Allah laban sa mga umaaway sa iyo ngunit huwag humigit sa mga limitasyon; sapagkat hindi mahal ni Allah ang mga sumusuway”. Ito ang dahilan kung bakit pinilit ng Propeta (PUBH) na kahit na may giyera, ang karapatang-pantao ay dapat na ganap na galangin. Ang ilang mga halimbawa ng nasabing pagtuturo ay matatagpuan sa mga tradisyon ng Propeta.
Bukod pa rito, tinuturo ng Islam na lahat ng mga nilalang ni Allah ay tila isang pamilya at sinumang makitungo sa pamilyang ito ni Allah nang may habag at kabutihang loob ay pinakamamahal ni Allah (Baihaqi). Sinabi ng aming Propetang si Mohammad (PUBH) na nahahabag si Allah doon sa mga nahahabag sa kapwa tao. Iyong pinakikitunguhan ang mga naninirahan sa mundo nang may habag at ang naninirahan sa Langit (Allah) ay magpapakita ng habag patungo sa iyo (Tirmizi, Abu Dawood).
Sa madaling salita, tinatanggihan ng Islam ang lahat ng mga hindi pinapahintulutang karahasan, pagpawalang-halaga sa kapayapaan, pagdanak ng dugo, pagpaslang at pagnanakaw at hindi ito pinahihintulutan sa kahit na anong paraan. Ito ay isang pangunahing prinsipyo ng Islam na nagtutulungan kayo sa isa't isa sa pagahangad ng tama at pagkamakatuwirang dahilan at HUWAG MAKIPAGTULUNGAN sa KAHIT NA SINO sa pagsasagawa ng sala o pang-aapi.
Sabi ng Makapangyarihang Allah na: “Tulungan ang isa’t isa sa pagkamakatuwiran at kabanalan ngunit tulungan ang isa’t isa na huwag magkasala at huwag magtanim ng sama ng loob.” Halata mula sa malilinaw na gabay na ibinigay ng Banal na Quran na ang paratang ng terorismo laban sa isang relihiyon tulad ng Islam na nag-uutos ng kapayapaan sa buong mundo ay isang kasinungalingan lamang. Sa katotohanan, ang Islam ay nabuo upang limasin ang lahat ng uri ng terorismo at upang ikalat ang mensahe ng pandaigdigang kapayapaan. Alam ni Allah ang pinakamainam.
Nilagdaan ni: Mufti Habibur Rehman, Grand Mufti,Darul Uloom Deoband Pinagtibay ni:
1. Zain ul Islam Qasmi (Deputy Mufti, Darul Uloom Deoband) 2. Mufti Waqar Ali (Assistant Mufti Darul Uloom Deoband) 3. Mufti Mehmoodul Hasan Bulanshehari
Ipinalabas sa ilalim ng selyo ng Darul Ifta, Darul Uloom Deoband
Submissions and suggestions: contact@seventhpillar.net