Si Hassan Hattab, ang nagtatag ng Grupong Salafist para sa Pangangaral at Pakikipagdigma sa Algeria, ay umalis noong 2003 makalipas ang isang hidwaan sa susunod na pinunong si AbdelmalekDroukdel tungkol sa pagiging lehitimo ng pagpupuntirya sa mga sibilyan.
Si Hattab ay sumuko sa mga awtoridad ng Algeria noong huling bahagi ng Setyembre 2007 at mula noon ay nagsagawa ng ilang mga pananawagan sa mga extremist na huwag gamitin ang mga armas.
Si Hattab, sa press ng Algeria, ay humango mula sa mga relihiyosong teksto upang ikondena ang mga atake ng terorista sa Algeria. Sa isa sa kanyang mga pahayag, sinulat niya na:
"Aling kodigo ng batas o moralidad ang maaaring magpahintulot nito?"
"Ito ba talaga ay isang jihad na magpapaligaya sa Diyos?"
"[mga kilos ng terorismo] ay walang nagagawa para sa Islam o mga Muslim at laban sa mga aking nabanggit nang babala noong nakaraan."
"bumalik sa lipunan at sa inyong mga pamilya; ang lipunan ay nakahanda para sa malugod na pagtatanggap sa inyo at mahilom ang mga sugat."
Submissions and suggestions: contact@seventhpillar.net