Marami sa mga nakulong na pinuno ng Libyan Islamic Fighting Group—na dating malapit at marahas na kaanib ng al-Qa`ida—ay naglathala ng higit sa 400 pahina na pagtatalikwas laban sa marahas na ideolohiya ng al-Qa`ida noong ika-17 ng Setyembre 2009.
Kasama sa teksto ang mga sumusunod na isinalin na sipi:
Ang pagmamaliit ng jihad sa pakikipaglaban sa pamamagitan ng espada ay isang kamalian at kakulangan.
Hindi mapapayagan na umalis para sa jihad nang wala ang pahintulot ng mga magulang at nagpapahiram.
May mga etika at moralidad sa jihad—kasama na rito ang: ang jihad ay para sa kapakanan ng Diyos, at ang paglabag sa batas ng pagpaslang sa mga kababaihan, kabataan, sa nakatatanda...
Kasama rin sa mga etika at moralidad sa jihad ay ang pagbatikos sa kataksilan, ang obligasyon na mapanatili ang mga pangako, ang obligasyon ng kabaitan sa mga bilanggo ng giyera, ang hindi pagpapahintulot sa pagpuputol sa mga patay…
Ang opinyon noong mga sumusunod sa mga tradisyon ni Muhammad ay napagkasunduan sa hindi pagpapahintulot ng paghahantong sa mga armas upang mabago ang mga sitwasyon sa pulitika.
Ang pakikipaglabanan sanhi ng sekto, tribu, o posisyon sa lipunan at ang pakikipaglaban sanhi ng iba pang makamundong batay o kapangyarihan ay napapasailalim ng kategorya ng ipinagbabawal na giyerang sibil.
Ang mga lehitimong alternatibo sa paggamit ng karahasan para sa reporma at pagbabago ay magbubuklod sa kabutihan at ipinagbabawal ang kasamaan at da'wah.
Ang mga makasaysayang halimbawa na napagkasunduan ng mga tao sa tradisyon ng Propeta ay: ang hindi pagpapahintulot sa naglalabanang mga pinuno at gobernador, at ang kanilang kasunduan na ang pasensya at pagtawag sa Diyos at pagsasama ng kabutihan at pagbabawal sa kasamaan ay ang wastong daan.
Ang ilang mga dahilan sa pagiging sukdulan ay ang pangingibabaw ng mga kasalanan sa mga lipunan ng Muslim, ang kawalan ng wastong pag-uunawa sa relihiyon at katotohanan, mga reaksyon ng damdamin, ang mga hindi kuwalipikadong tao na namumuno at ang kawalan ng mapang-unawang edukasyon sa bawat isa.
Submissions and suggestions: contact@seventhpillar.net